Martes, Hulyo 29, 2014



Ang Mga Akkadian

              Maraming mga tanong sa ating isipan, kabilang na rito ang kasaysayan ng mga Akkad o Akkadian. Paano nga ba sila umusbong o nabuo sa mundong ibabaw? Paano nila ito itinatag? Ano ang kanilang mga naibahagi na nakatulong sa panahon natin ngayon? At paano sila tuluyang naglaho?

          Ang imperyo ng mga Akkadian, isa sa pinakamakasaysayang imperyo  sa kanilang panahon. Ang Akkad o Akkadian ay pinamumunuan ni Haring Sargon I. Si Haring Sargon I ay natalo si Lugal-Zage-Si sa laban sa Uruk at matapos nito ay napasakanya ang imperyo nito. Ang mga magulang ni Haring Sargon I ay si La'Ibum o Itti-Bel, isang hardinero at kanyang ina ay isang ''priestess''. Nang nagsimulang mamuno ng imperyo si Sargon ay nanakop na siya ng mga imperyo upang makabuo ng isang malaki at malakas na imperyo. Nagkaroon ng palitan ng mga mineral ng pilak na mula sa Anatolia, Lapiz Lazuli mula sa Afghanistan, Cedars ng Lebanon at Tanso na mula sa Magan. Dahil sa malawakang pangangakalakal ay naging maunlad ang imperyong ito. Dahil din sa mga mineral na ito, nagpatayo si Sargon ng kanyang replika na ipinatayo sa iba't ibang lugar sa Akkad, nagpagawa rin siya ng mga barya na may mukha niya bilang simbolo ng pamumuno sa mga Akkadian/Akkad. Nang mamatay si Haring Sargon I dala na ng kamatayan, ipinasa niya ang trono sa kanyang mga anak, Ito ay sina Rimush (2278-2270 BCE) na nakipaglaban para sa imperyo, sumunod ay ang nakakatanda nitong kapatid na si Manishtushu (2269-2255 BCE) na nakipaglaban sa maraming hari sa dagat. Ang sumunod na namuno ay ang anak ni Rimush na si Naram-Sin. Si Naram-Sin ay hinirang na rin na hari ng imperyong Akkadian. Habang si Naram-Sin ay namumuno, ang Akkad ay mas umunlad, naging mas malinis, at nagkaroon ng buwis.

                                 
                Paano nga ba tuluyang bumagsak at naglaho ang imperyong Akkad? Naglaho ito at tuluyang buumagsak dahil na rin sa mga namumuno o sa mga nahihirang na hari ng Akkad. Naging mahina ang pamumuno nito at dahil dito, bumagsak ang ekonomiya ng Akkad, naroroon na ang bumaba ang kalakalan at sumabay pa ang tagtuyot na nagdulot ng paghihirap nito. Dahil dito, Naroroon na ang sumpa na sinasabing nagdulot umano ng paglaho ng Akkad, ang sumpa na ito ay tinatawag na ''Ang sumpa ng Akkad'' o ''The Curse of Akkad''.

                  Gayunpaman, masasabi natin na marami din naiambag ang imperyong Akkad sa panahon natin ngayon. Naroroon na ang paggamit ng sistemang buwis, sistemang pakikipagkalakalan, pagtatanggol sa sariling lugar o bansa, pagpapaunlad upang magkaroon ng maayos na pagpapatakbo at maginhawang buhay at marami pang iba. Kaya bilang isang tao na nabubuhay sa mundo, dapat natin pahalagahan ang bawat kasaysayan marahil marami tayong mapupulot na aral dito at maaari natin itong gamitin sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Sanaysay ni: Jan Randaile G. Adriano, IX-Rizal